Ang Noon At Ngayon Sa Siyudad At Sa Nayon
by Jen Prado
Isang archipelago ang Pilipinas na binubuo ng pitong libo’t mahigit na kapuluan at mga magagandang isla na naging dahilan ng mga sinaunang pananakop sa ating pulo. May tatlong humahati sa ating bansa na ginu-grupo grupo ang mga pulo-pulo tinatawag na Luzon, Visayas at Mindanao.
Sa
bawat pulo, isla o kahit ano pang lugar ay may humahati sa bawat pamumuhay; ang kanayunan at ang siyudad.
Isang munting pamayanan sa gitna ng kapatagan o kabundukan na pinanahanan ng ilang mga tao ang NAYON. Karaniwan, ito ay may payak na mga bahay kubo at pamumuhay ng mga taong nakatira doon. Ito ay maaring isang baranggay o bahagi ng baranggay sa isang liblib na pook.
Pagsasaka sa Nayon
Noong mga panahon na mga baril o mga kasandatahan at puro nasa matataas na posisyon lamang ang pupuwedeng pakinggan, mga panahon na mismong kahirapan ang bumubuhay sa karamihan tulad nang pagsasaka, panahon kung saan hindi pa halos maramdaman ang katagan “kaunlaran.” Iyan ang nayon noo. Kasaysayan na unti-unting nagbabago dahil sa patuloy na paglawak ng imahinasyon at kaisipan sa bawat bagay ng maaaring makatulong at tumupad sa suliranin ng mga taga-nayon sa pagsasaka. Noon ay mano-mano pa halos ang pangkalahatan sa bawat gawaing pagsasaka.
Edukasyon sa Nayon
Ang importansya ng edukasyon noon ay wala pa rin halos kaibahan hanggang ngayon. Ito pa rin ang inaasahan paras a kaunlaran ng bayan, pamilya at ng saili. Pero hindi naging madali para sa mga tao noon ang palarin na makaupo sa silya ng mga silid-aralan o kahit man lang makapasok sa mga ito. Nagiging dahilan rin rito ang distansya dahil sa kaulangan ng transportasyon. Ang sadyang kahirapan rin ang pinakamalaking hadlang sa mga gustong tumungtong sa paraalan na maranasan ang sana’y nararanasan ng lahat na edukasyon.
Tranportasyon sa Nayon
Noong
panahon nga’y hindi pa gaanong napapakinabangang ng mga taga-nayon ang mga modernong transportasyon tulad ng mga sasakyan ngayon; mga tren, bus, kotse o kahit ano na mayroong gomang gulong. Sa nayon, ang pinaka-nagagamit na tranoportasyon ay ang mga hayop na katulong sa pambubukid tulad ng mga kalabaw; sinasakyan ito sa likod o ginagawa itong tagahila sa mga mumunting kartero na pinanghahakot kadalasan sa mga ani.
Edukasyon at Tranportasyon sa Siyudad
Hindi
tulad sa Nayon, ang edukasyon sa siyudad ay mas maigi. Mas magaganda ang mga facilities sa paaralan dahil madali itong maabot ng mga transportasyon na nagdadala ng magagandang balita para sa ikauunlad ng karamihan. Dahil nga sa patag at mas maayos at mga daanan sa syudad, mas madaling maratingan ito ng mga naimbak na kabuhayan hindi tulad sa nayon na kadalasa’y liblib, malubak na daanan at sobrang malalayo pa ito sa sibilisasyon. Pero kung ikkumoara natin ang noon at ngayon ay mas masuwerte ang mga mag-aaral at mga mangagawa sa ating panahon ngayon. Dahil sa umuusbong nga ngayon ang teknolohiya, mas napapalawak natin ang mga resources para sa edukasyon at transportasyon. Mas napapadali ang pamumuhay natin. Pero napapadali nga ba? Dahil sa pagtataas rin ng mga standards ng bawat bagay o ng pananaw ng tao, dumudoble rin ang hinihingi sa atin na sipag at pagod; halimabawa sa pagtataas ng mga bilihin, kaya kailangan parin nating kumilos ng doble sa inaasahan.
Ano ang pinagkaiba ngayon?
Ngayon ang proseso ay unti-unti nang umaayos. Ang paghihirap ay unti-unti nang nareresolba dahil sa pagusbong ng teknolohiya na tumutulong sa pagunlad at pagpapadali ng mga gawaing dati’y mano-mano kung simulan.
Komunikasyon sa Nayon at sa Siyudad
Kung
ating pansining maigi, alam na natin ang pinagkaiba ng noon at ngayon. Isa sa mga nagbago at talagang umunlad ay ang komunikasyon. Pero ang pag-unlad nga ba o ang pagpapadali ng proseso ay nakabuti?
Karaniwang ginagamit dati bilang komunikasyon ay ang mga liham at personal na pakikipag-usap. Ngunit dahil sa limitadong transportasyon at hindi pa umuunlad na mga daaanan, hindi madaling marating ang ating ninanais na puntahan o ipadala ang sulat na ating gustong iparating sa mga minamahal. Maaaring noo’y may mga telepono na, pero hindi lahat ng tahanan ay nagmamaari nito. Mahirap ring umasa sa mga phone booth dahil maraming tao rin ang gumagamit nito.
Ang
isa pang paraan noon ay ang pagpapalitan ng liham, minsa’y makikiusap sa ibang tao na manlalakbay na ipa-abot ang nais mong ipaabot sa tao iyong papadalhan. Ito ba ay ligtas? Ang isip ng tao’y hindi madaling basahin. Maaaring ngayon ay mabait, bukas ay maaari ka ng nakawan. Kahit naman ngayon, sa mga nayon ay ginagawa pa ito. Bilang hindi sila makakapunta sa malalayong lugar, ipinapaabot na lamang nila sa mga konduktor ng bus ang mga gamit, mga sukat o pera sa kanilang malalayong kamag-anak o kakilala.
Ang pamumuhay sa siyudad ngayon ay moderno. Umaasa ang karamihan sa mga
establisyemento na may pinakamalaking porsyento na pinagbibilhan ng mga pagkain
at lahat ng pangangailangan sa pang-araw-araw. Samantalang noon ay sa mga taga-nayon
karaniwan nangunguha ng pagkain at sa ibang lugar naman nangunguha ng ibang
pangangailangan. Yan ang siyudad noon, simple lang.
Ang pamumuhay naman sa
kanayunan ngayon ay unti-unting umuunlad sa istraktura, transportasyon at
teknolohiya na gustong sumabay sa kaunlaran sa mga siyudad pero nananatili
parin ito sa dating kaayusan at uri ng pamumuhay. Mayroon mang malaking
pagbabago, nananatili parin ang kagandahan at ka-simplehan dito.
Samakatuwid, ang pamumuhay ngayon ay ibang iba sa
pamumuhay noon sa parehong nayon at siyudad. Noon ay may kalaliman ang mga
proseso na nagpapabagal sa daloy ng panahon. Noon rin, ating pansinin, na ang
buhay ng tao ay mahahaba ngunit ngayon dahil lumipas at maraming nabuong mga
imbensyon ay unti-unting umiiksi na ang panahon. Napapabayaan na rin ang
kalikasan na kung dati’y kailangan ng lahat para mabuhay. Ngayo’y kailangan
parin ito ng mga taga-nayon ngunit nilulubos na ng mga taga-siyudad ang maling
pag-gamit na nagreresulta sa pagiksi ng buhay natin.
Sino nga ba ang tunay
na masaya, mga taga-nayon o mga taga siyudad?
Sabi ng iilan ay mas masasayahin
ang mga taga-nayon sapagkat simple ang pamumuhay nila ngunit sa siyudad naman
ay maraming mga aliwan na pupwedeng dayuhin at mga parke na pwede pasyalan kaya
masaya rin dito. Dahil sa kasimplihan ng buhay o pamumuhay sa nayon ay laging
nagkakaroon ng simpleng kasiyahan tulad nang inuman o salu-salo na dinadaos ng
magkakapitbahay o magkakabarangay, sa siyudad nama’y pasosyalan ang karaniwang
makikita sa bawat malalaking selebrasyon.
Ngunit, ang kasiyahan ay hindi nababase o nakikita sa lugar o kung
anong mayroon dito. Ang TUNAY na kasiyahan ay nasa sa tao at nasa kakuntentuhan
ng nararamdaman ng indibidwal.
Kagandahan man o hindi ang naging resulta ng bawat pagbabago, ang
pamumuhay parin sa bawat nayon at siyudad ay umunlad at uunlad pa habang
lumilipas ang panahon.